Sunday, January 15, 2006
okay, si rachele.. friend ko. family friend din namin family nila.. tas kasabay din nila prom namin. she's from st. scho manila and she invited my brother for prom. kuya ha.. hindi diko. diko ko kasi mataba e. kuya ko sabi nila gwapo. sabi nila. haha. pupunta kuya ko. aba, my kuya is already 18 yrs. old. tas pupunta siya sa isang prom. bwahaha.
yung yaya namin mukang magkaka- cancer. sa ovary pa ito!! shetness. kaya let's pray for her. ipapa- opera na namin siya within the week and sana naman maging successul yung operation niya. wala pa nga siyang 4 months dito sa amin e. tas eto chika, 4 kasi yaya namin. yung isa yaya ko 14 yrs. na siyang nasa amin. yung isa 11 yrs. na. tas yung isa tibo. as in yung usual tibo. maliit na mukang maton na talagang pinanganak siyang tibo kasi kung inisip mo na babae siya sobrang di bagay to the point na nakakasuka. right. well anyway, eto yung news ko. yung yaya namin na may cancer, ka- on niya yung yaya namin na tibo. naman... wala na bang ibang lalake sa mundo?!? yung yaya ko na 14 yrs. na nasa amin pati yung driver namin sobrang nahahalata na. naman. that's like the saddest and most depressing love team ever. LOL.
sooo, pano ba naman ako makaka- survive niyan na ang laman ng pantry namin tatlo pang dozens ng cookies from mrs. feilds?! tas meron pang one and a half pa na double fudge brownies from mrs. feilds din. tas isang jar ng nutella na malaki pati dalawang maliit. meron pang 2 trays ng chips ahoy na chunky tas another pa na chewy tas maraming boxes ng oreos. puro frito lay chips pa na parang tinititigan ako everytime na binubukas ko yung door. nice talaga. eto yung point eh, malapit na ang prom. tas puro ganyan nasa paligid ko. haha. anyway, i have to control myself kasi pina- blood chem ako kahapon ng mom ko to check my sugar level tas nkuha na kanina yung result. sobrang taas daw. as in malapit nanaman ako magka- you know what tulad nung dati. (yung dati, .6 na lang meron na ako nung "D" word). pero now, hindi yun gawa ng chocolates. di nga ako kumakain kasi nakaka tamad eh. pero dahil inom ako ng inom ng coke. lately mga 3- 4 (minsan 5) cans ako ng coke a day kasi gusto ko gamitin yung tumbler na binigay ni jill. haha. ganda ng palusot ko noh?! coke and gatorade lang ako. tas sa school naman icetea at milo. pero oks lang nag- wawater pa naman ako.
the thing is, ayoko kumain, gusto ko lang uminom. ewan, mas masaya e. kahit na sinisigawan na ako ng yaya ko na "kumain ka na nga!" pero i'll answer back ng "ayoko pa" tas sasabihin nya "lalamig na pagkain mo" tas sasabihin ko "kaya nga may microwave e" tas after 30mins. sasabihin uli ni yaya "kumain ka na ba??!" tas sasabihin ko "hinde pa" tas sasabihin niya "aandar nanaman yung ulcer mo" tas saagutin ko siya ng "hindi nga ulcer yon e!! di ka ba nakinig dati, malapit pa lang ako magka- ulcer pero wala pa??!" tas sasabihin niya "gusto mo bang mamatay?" tas sasabihin ko "pwede rin" tas sasabihin niya "susumbong kita sa mommy mo!" tas sasabihin ko "de sumbong mo!". grabe, daily routine yan. minsan lang nadadagdagan yung linya ni yaya na "sasabihin ko sa mommy mo na huwag ka na ibibili ng coke dahil masisira lang tiyan mo!" tas sasabihin ko "de kay daddy ako magpapabile" or minsan sasabihin niya "kumain ka muna bago mag- coke" tas sasagot ako na "ano ba ulam?" tas sasabihin niya yung ulam tas sasabihin ko in a nice way "e (kung ano yung araw of the week) ayoko kumain ng (kung ano man yon mapa- fish, beef, chicken man yon)." haha. labo. pero grabe pag nawala yun yaya ko na yun, ewan ko gagawin ko. iiyak at magdradrama ako everyday. (awww...)
this is me and my yaya na 14yrs. na nasa amin. naks. she's the one i'm talking about.
;
Sunday, January 15, 2006
***