Friday, April 20, 2007
puta, nasaan ba mga tao ngayon? eh ako lang yata nabubulok sa sarili kong bahay a! si ganyan nasa Singapore, si ganito nasa Bohol, sila ganire nasa Europe. ayyy shet. eh si phyllis santos kaya nasaan na? unti unti nang nawawalan ng mga taong nagYYM or nag lolog in sa multiply or friendster. bakit ba?! nasaan ba kayo??! magsabi naman kayo kung aalis kayo, malay mo pwede akong sumama! hahaha.
ang init init pa ewan ko na lang. so okay, imagine mag- isa lang ako sa bahay halos buong araw. what a sad life, shet. wala si ate at kuya nasa States. pwede na sila idagdag sa mga listahan ng mga tao sa mundo ko na nasa ibang lugar... si diko (the hell i care) madalas din wala sa bahay kasi nasa kanya yung isang car and marunong na siya mag- drive.. mommy may mga clinics.. dad, duh-- work. so ako? EWAN. shet. well minsan sumasama ako kay mommy sa clinics niya para medyo nakakasingit na nakakabili ako ng kung ano ano...
so eto, inuulit ko...
phyl: ma, gusto ko talaga mag- football/ soccer lessons.
mom: ikaw na nagsabi sa akin na lampa ka.
phyl: eh joke lang yun.
mom: erose, nakita ka ng ate mo, nadapa ka sa treadmill.
poknat, it's true. nadapa ako sa treadmill. big deal..! hindi naman like nalaglag/ nasubsob/ nabungian ako dahil dun no!
so ano nga ba ginagawa ko normally sa bahay? well, eto routine ko..
12 noon- wake up
1pm- breakfast/ lunch/ whatever you call it
2pm- tv, tv, computer, tv, phone?, tv, dvd, check out the dogs, tv, computer, tv, tv, computer, tv, computer... in between nung mga productive activities na yun minsan naglalaro ako ng Monopoly sa cellphone ko. na nakakabanas, lagi akong panalo. net worth ko: 8, 956 with 14 properties, 16 houses and 3 hotels... yung kalaban ko? net worth: 324 with 7 properties (5 mortgaged), 0 houses, 0 hotels. great.
7pm- dinner
8pm- tv, tv, computer, tv, tv, tv, computer, tv, tv.....
1am- sleep
my parents are forcing me to enroll in JRP. so what's JRP, phyl? well i;m glad you asked... JRP stands for John Robert Powers. like shit. ayoko. well, gusto ko pero gets? ayoko. pinamukha pa sa akin ni nikki tan na mahal dun. pero anyway, parents ko naman namimilit so sige, why not? let me put it to you this way, mas mahal pa siya sa tuition fee ko ng 1 sem sa UST. imagine, 1 sem sa UST and eto mas mahal pa tapos 20hrs. lang. great noh? siguro i'll start in May. i need clothes for that. i think wala silang lusot sa akin kapag sinabi kong i need 10 new outfits kasi hello, uniform naman ako sa UST. yes, imma wear one of those ugly uniforms. it's sad, really. grabe. i can't wait na makapag test sa ibang colleges next school year. well, that is kung ayaw ko pa rin talaga sa UST...
mika: phyl, nakita mo na ba kung ano itsura nung mga uniforms natin?
phyl: hindi pa, why?
mika: white na may red stitches sa may pocket thing-- basta!!! mukha tayong nagtratrabaho sa Mercury Drug!
phyl: fuck.
oh just shoot me. (preferably sa noo or sa heart para patay kagad-- haha.)
Virginia Tech Massacre-- scary shit.
Julia Campbell's body found-- sad. i saw
her blog and naiyak ako. kasi super bait niya...
Plane crash in Paranaque-- scary/ sad/ weird.
masyado bang masama kung crush ko ang third cousin ko? i swear, ang gwapo. eh last last weekend ko siya first time nakita and shet,"woah ang gwapo mo!" hahahahaha. pero syempre duh, hindi ko yun sinabi! hindi ko nga kinausap e! basta, magkatapat kami sa table! ahahaha! and tumatabi siya sa akin! i repeat, TUMATABI siya sa akin. he's a year older and same batch kami. nagpunta kami sa house nila and ha! nakapasok ako sa room niya! bwahaha. okay, what a joyful and triumphant feeling. change topic.
isa ako sa mga taong walang direksyon sa buhay. eh ano magagawa ko? wala talaga e. no wait-- wala PA talaga e. hindi ko talaga alam up to now kung ano balak ko. basta here's what i want..
magkaron ng franchise ko ng isang well- known na restaurant na matino-- MATINO as in the type na may cozy chairs, table napkins na may logo nung restaurant or pwede na rin yung cloth napkins, plates na may logo din ng restaurant or Noritake, heavy silverware na hindi madaling mag- bend, glasses na goblet style.. whatever basta ganun. basta one thing is for sure, hindi magiging Chinese restaurant kasi ang baduy baduy. sorry pero oo. lumaki ako sa mga ganon dahil may lahi kaming Chinese.. may mga secret/ private rooms pa kaming pinapasukan na dadaan pa sa kitchen nung restaurant etc. errr.. yung isa pang old place MA MON LUK sa may Quezon Ave? whatever isa pa yun-- waaaah. never.
gusto ko din ng franchise ng isang clothing line. yuck as if kaya pero feel ko kukunin yun ng Rustan's one day pero gusto ko ng L.A.M.B. (love.angel.music.baby.) by Gwen Stefani or yung kay Paris Hilton or yung "M" by Madonna or the first ever Bloomingdales in the Philippines. haaay, how i wish.
anyway, it's 12:10 in my clock and i need to wake up early. 10am clinic ni mommy and sasama ako then i'll meet up with Mika. yey. after that wala bahay na to watch i don't know-- tv? basta dvd's and stuff. ang ganda ganda nga pala ng The Holiday. naiyak ako!! ahahaha! SHET ANG HOT HOT NI JUDE LAW. LORD HELP ME. WAAAAAH. ANG GWAPO. tas ewan Jack Black yun pero ang galing pa rin! i love it grabe. Love Wrecked is nice, too. predictable but still nice. ang gwapo naman kasi eh! yung nakakainis lang sa mga storyang ganun ang tanga tanga ng mga babae! i mean hello, hindi ba nila nakikitang ang gwapo gwapo ng bestfriend nila!? okay, i'll snap out of it. Pan's Labyrinth, yep, i expected more from the movie but it was okay.
now it's 12:17am and tandaan: Pichay, itanim sa senado.
wow.
;
Friday, April 20, 2007
***